Kanaydiyan?


The Marshmallow Incident




The Marshmallow Incident

Originally uploaded by ukaaa.

boo


Bakit ka ba nagsusulat?

Dahil sa hindi na ako masyadong nagpupunta sa aking mga forums (mga responsibilidad ko lang naman ang mga iyon), blogging naman ang pagtutuunan ko ng pansin.

Maraming beses ko tinatanong ang sarili ko, ano ba talaga ang isusulat ko dito? Alam kong wala masyadong (basahin: wala) nagbabasa ng blog, kaya pagpapapraktisan ko nalang ito. Nabanggit ko ba kung gaano ka hirap mag-spell (takte, ano nga ba ulit ang tagalog ng “spelling”?) nga mga salitang pagkandahaba-haba (tulad nitong salitang ito)? Pero ibang kwento na iyon.

Bakit ka nagsusulat ng blog? Wala ka lang ba talagang magawa? Addict ka lang ba talaga? Kung ako ang papasagutin mo ng tanong na iyan, eto ang isasagot ko:

Lumipat ako sa ibang bansa, nagpalit ang pananaw ko sa mundo. Malaki. Nag-mature ako sa ibang aspekto at lalong naging childish sa iba. It’s my way of coping, siguro. Kung ano man ang nangyari sa akin, at sa aking pagkatao, dahil sa paglipat ko sa Canada, gusto kong malaman at mabasa ito sa mga susunod na taon.

Kontento ako sa buhay ko ngayon, inaamin kong mas maginhawa ang buhay dito. May trabaho ako, nakakagala ako sa kung saan-saan dahil sa aking super bus pass at mas independent ako kahit papaano. Pero may mga araw rin na nangungulila ako sa mga kaibigan ko. Ano kaya ang buhay ko ngayon sa Pinas kung hindi kami lumipad? (Cue Kanlungan by Noel Kabangon)

Sa maikling salita, sumusulat ako sa blog na ito as a way of coping, at para na rin mabasa ang blog ng ibang tao na lumipat ng bansa. Isa siguro ito sa mga paraan ko para bumitaw sa Pilipinas at tanggapin na wala na ako doon. Onti-onti naman na nangyayari iyon. Makulit lang talaga, at minsan mahigpit ang paghawak.

Eh ikaw? Bakit ka ba nagsusulat ng blog? Maari bang makipag exchange links? Gusto mo affiliates pa? Friends tayo? Teka, teka… sagutin nalang muna nating ang tanong: Bakit ka ba nagsusulat ng blog?

Hanggang dito nalang muna, alas-once na pala, may swimming outing pa ako bukas. Teka, alam mo ba, sa Español, mali ang pagsabi nating ng oras. Ang A las once ay literally na nagtatranslate as “at eleven o’ clock”. Sagot yan kapag tinanong ka kung kailan mo gagawin ang isang bagay.

Pag pagsabi naman ng oras, Son las once dapat. It’s eleven o’clock. Nakalimutan ko na iyong lesson dito.

Hay. Halata bang masyado akong nag-aral para sa subject na ito?


Friday five!

Forty-two minutes after Friday started, so I decided to do this Friday Five thing.

TEKA. Bakit nag-ingles naman ako agad? Ayan kasi, daldal ng daldal sa MSN. Hay naku. Pero yeah. Whatever, I’m just going to answer this Friday Five thing. :D

(Besides, mas maaliwalas basahin ito, kaysa naman magpost ako ng eklat tungkol sa mga close-minded at ignorant na nilalang at ang kanilang mas ignoranteng views sa Filipina women. Cheap bastards.)

Continue reading this entry »


Mula sa patay…

Ako ay medyo nabuhay. Hahahaha. Mayroon pa akong dalawang exams sa 25 at sa 26. Math at Science na hindi ko pa (at parang wala akong balak) pag-aralan. *buntong hininga*

Wala naman masyadong nangyari sa buhay ko. Kanina, parang napagitnaan nanaman ako dahil sa kaibigan kong oblivious sa lahat sa paligid niya. Ganoon din naman ako dati, kaso… ewan ko lang. Nagsimula ang gulo dahil accidentally niyang nabunggo iyong isa naming kaklase, at hindi niya napansin. Nagkataon lang na talagang kinamumuhian na pala etong kaibigan ko noong mga batang iyon. Kaya ayan, mayroon tuloy akong threatening na message sa aking Facebook.

May kinalaman ba ang aking dilemma sa pagiging mas matanda ko ng isang taon sa kanilang lahat? (Kasi naman eh, buwisit na ESL. >_>) Wala naman siguro. Haaay naku. Mayroon din bang ganito na nangyari sa iyo? Maari ka bang magkwento?

Kakain nalang ako ng tokwa at mag-aaral ng chemistry para maalis ito sa utak ko. Hahaha, alam mo ba ang ang “chemistry” sa Español ay “quimica”? Wala lang, ang cute kasi tingnan nung word eh. Haha.


Music Meme

1. Open your music library (iTunes, Winamp, Media Player, iPod, etc)
2. Put it on shuffle
3. Press play
4. For every scene, type the song that’s playing
5. When you go to a new scene, press the next button
6. Don’t lie and try to pretend you’re cool

Continue reading this entry »


Pink Urinals, atbp.

Pag sinabi ko bang namimiss kong makita ung mga pink urinals, weirdo na ba ako sa mga mata ninyo? Namimiss ko lang talaga siguro ang Pilipinas…. bigla ko tuloy naalala ‘yong mga panahong pupunta kaming SM Sucat at natatraffic kami doon sa may…hindi ko na alam ang pangalan ng daan, basta alam ko sa Parañaque iyon, at napatingin ako sa isang kakaibang bagay sa gilid ng daan.

Continue reading this entry »


EEEP. (heart)

Siempre, ang isang batang tulad ko na nagtatrabaho sa McDonald’s ay may pinag-iipunan din. University? Yeah, mamaya na iyon. May dalawang taon pa naman ako. Pero sa ngayon, eto na muna ang pagtutuunan ng pansin ng bank account kong malapit na bankrupt dahil sa kaka-shopping (ay dios mio!):

Free Image Hosting at www.ImageShack.us

-bugtong hininga-

Mahal na mahal ko yan, kasi siempre, may kamahalan din siya at installment ang bayaran namin ng nanay ko. Sa kanyang credit card napupunta ang bill, tapos binabayaran ko iyong bill na iyon sa kanya. Walong oras ko rin naman pagtatrabaho ang isang buwan na bayaran. Ayos na rin naman siguro.

Hay naku…. naawawa ako sa bank account ko. Malapit ng maghingalo. *huggles it*


edukasyon atbp.

Isa sa mga bagay na napansin ko sa Canada ay ang lax education system nila, pero at the same time, complicated din ito. Bakit? Tulad ng mga magulang ko na nahiripan pumasok sa trabahong gusto nila, trabaho na pinag-aralan nila sa Pinas, kelangan mo pa ng kung anu-anong certificate, at para makuha mo ung certificate, kelangan mo rin ng mga subjects. Complicated nga di ba?

Pero, dahil asa high-school palang naman ako, lax ito. Bakit? Blog lang ako ng blog sa kung saan-saan, chat lang din ako ng chat, pero asa honour roll ako. Nakakaaliw, pero nakakabahala din. Bakit? Ang cut-off ng honour roll ay 75 %.

Nakakabahala din na ang iba kong kaklase ay masaya na pag naka 50% sila kasi pasado na sila. Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-adjust sa grading system nila. Sa ngayon, mayroon akong dalawang C+, di naman bagsak un. Pero… may subject ako na 69% ang nakuha ko. Makakapasok pa rin naman akong honour roll, nakakabahala lang talaga.

Pero, mayroon din akong napansin. Iba rin ang way ng pag-gragrade ng mga teachers. Naalala ko sa atin na ang daming kung anu-ano na components ang kasama, pero dito, simple lang. Tests, quizzes, participation and homework check.

….hindi pa rin ako makapaniwala na nagka-69 ako XD. Hay buhay, may next term pa naman. Sa ngayon, ako ay babalik na sa pagpili ng magandang layout para sa aking blog. (Manunuod din ako ng American Idol, hehe.)

Ano ba ang tagalog ng blog? O_o