Kanaydiyan?


edukasyon atbp.

Isa sa mga bagay na napansin ko sa Canada ay ang lax education system nila, pero at the same time, complicated din ito. Bakit? Tulad ng mga magulang ko na nahiripan pumasok sa trabahong gusto nila, trabaho na pinag-aralan nila sa Pinas, kelangan mo pa ng kung anu-anong certificate, at para makuha mo ung certificate, kelangan mo rin ng mga subjects. Complicated nga di ba?

Pero, dahil asa high-school palang naman ako, lax ito. Bakit? Blog lang ako ng blog sa kung saan-saan, chat lang din ako ng chat, pero asa honour roll ako. Nakakaaliw, pero nakakabahala din. Bakit? Ang cut-off ng honour roll ay 75 %.

Nakakabahala din na ang iba kong kaklase ay masaya na pag naka 50% sila kasi pasado na sila. Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-adjust sa grading system nila. Sa ngayon, mayroon akong dalawang C+, di naman bagsak un. Pero… may subject ako na 69% ang nakuha ko. Makakapasok pa rin naman akong honour roll, nakakabahala lang talaga.

Pero, mayroon din akong napansin. Iba rin ang way ng pag-gragrade ng mga teachers. Naalala ko sa atin na ang daming kung anu-ano na components ang kasama, pero dito, simple lang. Tests, quizzes, participation and homework check.

….hindi pa rin ako makapaniwala na nagka-69 ako XD. Hay buhay, may next term pa naman. Sa ngayon, ako ay babalik na sa pagpili ng magandang layout para sa aking blog. (Manunuod din ako ng American Idol, hehe.)

Ano ba ang tagalog ng blog? O_o