Kanaydiyan?



Pink Urinals, atbp.

Pag sinabi ko bang namimiss kong makita ung mga pink urinals, weirdo na ba ako sa mga mata ninyo? Namimiss ko lang talaga siguro ang Pilipinas…. bigla ko tuloy naalala ‘yong mga panahong pupunta kaming SM Sucat at natatraffic kami doon sa may…hindi ko na alam ang pangalan ng daan, basta alam ko sa Parañaque iyon, at napatingin ako sa isang kakaibang bagay sa gilid ng daan.

Bakit may ihian diyan? Proyekto pala ng gobyerno. Hahaha. Uuwi ang auntie ko sa Pinas sa Mayo, sabi ko sa kanya bilhan niya ako ng plastic cover, kasi naman, iba talaga ang buhay ng walang National Bookstore. Wala kang mabibilhan ng plastic cover, ng gel pens, pero ang mga mahal na libro universal ata :D

National Bookstore, MMDA Pink Urinals, hay Pilipinas, kakaiba talaga ang pangungulila ko sa iyo. :D


Mga Puna

  1. bonniefazzyoo ay nagsabing:

    pink urinals… the best diba?! at yung mga signs na nakalagay ”huwag tumawid nakamamatay”

    Ipinaskil 2 years, 5 months ago


Mag-iwan ng Puna

(kailangan)

(kailangan)



Pagsasabalangkas ng iyong puna
Bumalik sa Itaas | Textarea: Higit na malaki | Mas maliit