Mula sa patay…
Ako ay medyo nabuhay. Hahahaha. Mayroon pa akong dalawang exams sa 25 at sa 26. Math at Science na hindi ko pa (at parang wala akong balak) pag-aralan. *buntong hininga*
Wala naman masyadong nangyari sa buhay ko. Kanina, parang napagitnaan nanaman ako dahil sa kaibigan kong oblivious sa lahat sa paligid niya. Ganoon din naman ako dati, kaso… ewan ko lang. Nagsimula ang gulo dahil accidentally niyang nabunggo iyong isa naming kaklase, at hindi niya napansin. Nagkataon lang na talagang kinamumuhian na pala etong kaibigan ko noong mga batang iyon. Kaya ayan, mayroon tuloy akong threatening na message sa aking Facebook.
May kinalaman ba ang aking dilemma sa pagiging mas matanda ko ng isang taon sa kanilang lahat? (Kasi naman eh, buwisit na ESL. >_>) Wala naman siguro. Haaay naku. Mayroon din bang ganito na nangyari sa iyo? Maari ka bang magkwento?
Kakain nalang ako ng tokwa at mag-aaral ng chemistry para maalis ito sa utak ko. Hahaha, alam mo ba ang ang “chemistry” sa Español ay “quimica”? Wala lang, ang cute kasi tingnan nung word eh. Haha.
Mag-iwan ng Puna