Babae
Ako si Eina, Filipina ako at nakatira ako sa Canada sa ngayon. Teenager pa lamang ako, at minsan nagmamarunong tungkol sa mundo, tulad ng iba pang kasing-edad ko.
Ako’y Setonian (in gold and green our banner waves, ika-nga) at mayroon akong Friendster/Facebook/Multiply/LiveJournal at kung ano pa. Mahilig ako mag-sign up para sa mga ganyan eh. Wala lang akong MySpace, hindi ko gusto ang site na iyon. Isa pa, blocked iyon sa eskwelahan eh.
Mahilig ako sa art, lalo na sa digital art kasi iyon lang kaya kong gawin. Mahilig rin akong sumulat ng mga kwento, minsan sinusubukan kong tumula, kaso di talaga kami nagkakasundo ng tula eh. Ang relasyon ko sa tula ay mas mabuting nasa admiration state lamang. Mahilig din ako sa music. Kahit ano basta hindi nakakabagot at may sense naman kahit papaano.
Takot ako sa heights, acrophobic ba kung baga. Sinasabi ko sa inyo, baka maitulak ko kayo at kayo pa ang ma-disgrasya pag kinaladkad ninyo ako sa mataas na lugar. Yes, ganyan ako katakot sa heights. Iniisip ko pa nga lang ngayon, kinakabahan na ako eh.
EspaƱol ang isa sa mga lenggwahe na gusto kong matutunan ng lubusan. Nakakaaliw siya, at kinakailangan ang memorisasyon ng sandamukal na vocabulario. Alam mo nanaman iyong iba dahil sa Filipino ka, spelling na lang ang kailangan mong ingatan. Hahaha.
Webdesign ang isa sa mga hilig ko na gusto ko pang matutunan lalo. Tuwing ayoko mag-aral, eto ang ginagawa ko.
Hindi ko matiis kapag nakakabasa ako ng mga diskusyon sa forums o sa kung saan man na against sa mga Pinoy. Hindi ko talaga matiis. May sarili rin naman akong pananaw sa racism (lalo na at ang tinitirhan ko sa ngayon ay halo-halo ng mga klase ng tao na galing sa iba’t-ibang lugar sa mundo), katulad ng ibang tao. Dapat siguro layuan ko ang mga ganung bagay. Pero hindi ko talaga kayang tiisin na may mga tao na napaka-ignorante. Maiksi ang pasensya ko sa ganun, hay buhay.
May mga idadagdag pa siguro ako, pero saka na iyon. Ngayon, ito nalang muna.