Imbakang Kategoriya
Ang sumusunod ay listahan ng lahat ng lahok mula sa Education kategoriya.
Mula sa patay…
Ako ay medyo nabuhay. Hahahaha. Mayroon pa akong dalawang exams sa 25 at sa 26. Math at Science na hindi ko pa (at parang wala akong balak) pag-aralan. *buntong hininga*
Wala naman masyadong nangyari sa buhay ko. Kanina, parang napagitnaan nanaman ako dahil sa kaibigan kong oblivious sa lahat sa paligid niya. Ganoon din naman ako dati, kaso… ewan ko lang. Nagsimula ang gulo dahil accidentally niyang nabunggo iyong isa naming kaklase, at hindi niya napansin. Nagkataon lang na talagang kinamumuhian na pala etong kaibigan ko noong mga batang iyon. Kaya ayan, mayroon tuloy akong threatening na message sa aking Facebook.
May kinalaman ba ang aking dilemma sa pagiging mas matanda ko ng isang taon sa kanilang lahat? (Kasi naman eh, buwisit na ESL. >_>) Wala naman siguro. Haaay naku. Mayroon din bang ganito na nangyari sa iyo? Maari ka bang magkwento?
Kakain nalang ako ng tokwa at mag-aaral ng chemistry para maalis ito sa utak ko. Hahaha, alam mo ba ang ang “chemistry” sa EspaƱol ay “quimica”? Wala lang, ang cute kasi tingnan nung word eh. Haha.
edukasyon atbp.
Isa sa mga bagay na napansin ko sa Canada ay ang lax education system nila, pero at the same time, complicated din ito. Bakit? Tulad ng mga magulang ko na nahiripan pumasok sa trabahong gusto nila, trabaho na pinag-aralan nila sa Pinas, kelangan mo pa ng kung anu-anong certificate, at para makuha mo ung certificate, kelangan mo rin ng mga subjects. Complicated nga di ba?
Pero, dahil asa high-school palang naman ako, lax ito. Bakit? Blog lang ako ng blog sa kung saan-saan, chat lang din ako ng chat, pero asa honour roll ako. Nakakaaliw, pero nakakabahala din. Bakit? Ang cut-off ng honour roll ay 75 %.
Nakakabahala din na ang iba kong kaklase ay masaya na pag naka 50% sila kasi pasado na sila. Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-adjust sa grading system nila. Sa ngayon, mayroon akong dalawang C+, di naman bagsak un. Pero… may subject ako na 69% ang nakuha ko. Makakapasok pa rin naman akong honour roll, nakakabahala lang talaga.
Pero, mayroon din akong napansin. Iba rin ang way ng pag-gragrade ng mga teachers. Naalala ko sa atin na ang daming kung anu-ano na components ang kasama, pero dito, simple lang. Tests, quizzes, participation and homework check.
….hindi pa rin ako makapaniwala na nagka-69 ako XD. Hay buhay, may next term pa naman. Sa ngayon, ako ay babalik na sa pagpili ng magandang layout para sa aking blog. (Manunuod din ako ng American Idol, hehe.)
Ano ba ang tagalog ng blog? O_o